Isang gabi habang inilulunsad ang bible study:
Propagator: Ahmmm… bale ito ang engel scale
Ako: Wow! Angel scale! Ano po to? Para sa mga angel at guardian angel?
Classmate: Ay ang bingi! ENGEL scale at hindi ANGEL scale!
Ako: Hahaha! Sorry tao lang.
Propagator: Bale ito yung scale para malaman kung saan nang category ang awareness ng isang tao towards Christianity.
Ako: Cool! Heavy, pare! Pwede pala yun!
Engel scale. Narinig ko na yan nung college pa ako, kaso hindi ko na alam kung saan subject sya at kung anung meaning nya. Ewan ko ba kung bakit. Siguro masyado lang akong antok nun kakalaro ng ragnarok o sadyang naka-focus lang ako sa puppy love ko na naging classmate ko. Ewan ko.
Para sa mga hindi rin alam at walang pakealam sa engel scale, eto ang definition nya:
From: http://en.wikipedia.org/wiki/Engel_Scale
The Engel Scale was developed by James F. Engel as a way of representing the journey from no knowledge of God through to spiritual maturity as a Christian believer. The model is used by some Christians to emphasise the process of conversion, and the various decision-making steps that a person goes through before they become a Christian.
Sa madaling salita, ang engel scale daw eh i-categorize ka kung saan na ang awareness mo sa Christianity. At ito ang mga category:

source:http://en.wikipedia.org/wiki/Engel_Scale
Ang turo eh ang tao eh magsimula sa pinaka mababa -8 (Awareness of supreme being, no knowledge of Gospel) at hanggang mapunta sa pinakamataas +5 (Stewardship).
Naguguluhan pa ako. Ang dami kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko na ilalagay dito kasi baka mapagkamalan pa akong isang atheist. Basta. basta. basta. Ang gulo.
Propagator: Tatanungin kita. Sa tingin mo, anung number category ka sa engel scale?
Ako: Waderber!


